
Mula sa Pagiging Mapanlikha - Flow and the Psychology of Discovery and Invention by Mihaly Csikszentmihalyi.
Mga katangian ng isang mapanlikha:
1. Malakas ang enerhiya. Kadalasan tahimik at nagpapahinga.
2. Smart, at parang bagito rin kung mag-isip at umarte.
3.Marunong maglaro, pero may disiplina, responsable at kung minsan ay iresponsable.
4. Mahilig managinip, mangarap, mag-fantasya, pero grounded sa realidad, o praktikal.
5. Ma-sosyal at mahilig din magsolo.
6. Mapagkumbaba at mayabang din.
7. Ayaw ng pinipigilan at kung minsan ay parang bakla kung lalaki, at para namang tomboy kung babae.
8. Mahilig magrebelde at malaya rin.
9. Marubdob ang pagkapit sa imbensyon pero alam din nila ang kakulangan nito.
10. Dahil sila ay mahilig magbukas ng sarili nila at sila rin ay maramdamin, kadalasan, sila ay nasasaktan pero marunong ding magsaya.
